Aralin para sa Ikaapat na Taon - PowerPoint PPT Presentation

About This Presentation
Title:

Aralin para sa Ikaapat na Taon

Description:

Tula ARALIN PARA SA IKAAPAT NA TAON Balangkas ng Aralin Kahulugan ng Tula Elemento ng Tula Anyo ng Tula Kahulugan ng Tula isang anyo ng sining o panitikan na ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:1209
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 18
Provided by: Anto129
Category:
Tags: alamat | aralin | ikaapat | para | taon

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: Aralin para sa Ikaapat na Taon


1
Tula
  • Aralin para sa Ikaapat na Taon

2
Balangkas ng Aralin
  • Kahulugan ng Tula
  • Elemento ng Tula
  • Anyo ng Tula

3
Kahulugan ng Tula
  • isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
    maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
  • Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay
    hindi pulos na pangarap at salamisim, di pawang
    halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting

4
Elemento ng Tula
  • Tugma
  • Sukat
  • Kariktan
  • Talinhaga
  • Persona
  • Tayutay
  • Tono / indayog
  • Paksa

5
1. Tugma
  • - nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang
    paraan ng pagtutugma 1. Mga salitang nagtatapos
    sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang
    dulumpantig
  • 2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y

6
2. Sukat
  • tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
  • Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat
    taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig
    ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
  • Halimbawaisda is da ito ay may dalawang
    pantigis da ko sa Ma ri ve les 8 pantig

7
Mga halimbawa ng Sukat ng Pantig
  • 1. Wawaluhin     Halimbawa    Isda ko sa
    Mariveles     Nasa loob ang kaliskis    2.
    Lalabindalawahin     Halimbawa     Ang laki
    sa layaw karaniway hubad     Sa bait at muni,
    sa hatol ay salat     3. Lalabing-animin    
    Halimbawa     Sai-saring bungangkahoy, hinog na
    at matatamis     Ang naroon sa loobang may bakod
    pa sa paligid    4. Lalabingwaluhin    
    Halimbawa     Tumutubong mga palay,gulay at
    maraming mga bagay    Naroon din sa loobang may
    bakod pang kahoy na malabay

8
  • 3. Paksa - maraming maaaring maging paksa ang
    isang tula
  • 4. Tayutay - paggamit ng pagwawangis (simile)
    pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification)
    ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa
    tula
  • 5. Tono/Indayog - tumutukoy sa pagbaba at
    pagtaas ng tono o pagbigkas
  • - dapat isaalang-alang ang diwa ng tula
  • 6. Persona - tinutukoy nito ang nagsasalita sa
    tula - una, ikalawa o ikatlong panauhan

9
  • 7. KariktanKailangang magtaglay ang tula ng
    maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
    gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
  • 8. TalinghagaTumutukoy ito sa paggamit ng
    matatalinhagang salita at tayutay.     ? Tayutay
    - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagsasatao
    ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa
    tula

10
Mga Anyo ng Tula
  • Malayang taludturan 
  • Tradisyonal 
  • May sukat na walang tugma 
  • Walang sukat na may tugma

11
Mga Uri ng Tula
  • Tulang Liriko o Tulang Damdamin
  • Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles
  • Tulang Patnigan a
  • Tulang Pantanghalan o Padula.

12
  • 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)
  • tulad ng isang soneto o ng isang oda, na
    ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng
    makata.
  • karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa
    isang kanta.
  • hindi nagpapahayag sa isang kuwento na
    naglalarawan sa karakter at aksyon.
  • Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa,
    ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at
    persepsyon.

13
Uri ng Tulang Liriko
  • Awit Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay
    na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat
    saknong, na ang bawat taludtod ay may
    lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na
    dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang
    awiting ating naririnig.Karaniwan itong may
    malungkot na paksa - sad love songs
    kumbaga.Soneto Isang tula na karaniwang may
    14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may
    malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.Oda
    Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na
    nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o
    isang bagay na kinukuha interes ang makata o
    nagsisilbing isang inspirasyon para sa
    oda.Elehiya Ito ay tulang may kinalaman sa
    guniguni tungkol sa kamatayan.Dalit isang uri
    ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na
    nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o
    panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang
    Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na
    halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

14
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry)
  • isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring
    maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may
    kaugnayan sa maaaring maging simple o
    kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi
    madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko,
    ballad, idylls at lays.

15
Uri ng Pasalaysay
  • a. Epiko ay isang mahaba kuwento/tula,
    kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na
    naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at
    mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o
    bansa.b. Awit at kurido ay isang uri ng
    panitikang Filipino kung saan ito ay may walong
    sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat
    o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad
    ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang
    kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang
    Ibong Adarna. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay
    Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari
    sa araw-araw na buhay.

16
3. Tulang Patnigan (joustic poetry)
  • Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at
    balagtasan.
  • a. Balagtasan Tagisan ito ng talino sa
    pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang
    paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni
    Francisco Balagtas Baltazar.b. Karagatan
    Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa
    pagtula na kabilang sa tinatawag na libangang
    itinatanghal na ang taglay na pamagat ay
    nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang
    dalaga na nahulog sa dagat.c. Duplo Ito ay
    isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa
    pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango
    ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at
    mga kasabihan. 

17
4. Tulang Pantanghalan o Padula
  • karaniwang itinatanghal sa teatro.
  • Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay
    sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.
  • Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na
    maaaring makatulad ng, o dili kayay naiiba sa
    nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com