Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya - PowerPoint PPT Presentation

1 / 58
About This Presentation
Title:

Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya

Description:

Kuwento na gagawing dula-dulaan 5. Mapa ng isang lugar na ilalahad sa isang talata Sa pagsasaayos ng kurikulum inilapat ang Understanding by Design (UBD ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:7189
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 59
Provided by: pnudea
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya


1
Ang Kurikulum sa Filipino Batayan ng Pagtuturo
sa Sekondarya
Lydia B. Liwanag, Ph. D.
2
Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit
itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralang
pambansa.
3
Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa umiiral na
patakarang pangwika na ipinatutupad kaugnay ng
gagamiting wikang panturo sa mga paaralan.
4
  • Una, ituturo ito bilang isang sabjek o aralin na
    bahagi ng kurikulum sa elementarya at sekundarya.
  • Ikalawa, gagamitin ang Filipino bilang wikang
    panturo sa mga tiyak na sabjek o aralin na
    iniatas sa Patakarang Bilinggwal noong 1974 at
    1986.

5
  • Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin
    subalit magkatuwang ng kaganapan sa pagkatuto.
  • Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang
    isang wikang may sariling kakanyahan upang
    magamit ito sa pagkatuto ng iba pang sabjek na
    itinuturo sa Filipino at magiging tulay din ito
    sa pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika ng mga
    mag-aaral.

6
Ang Pagtuturo ng Wika Batay sa DepEd Kurikulum sa
Filipino
  • Sa ipinatupad na kurikulum ng DepEd para sa
    pagtuturo ng Filipino may mga pananaw at simulain
    sa pagkatuto ng wika na binibigyang pansin. Una
    ay ang pagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng
    mga mag-aaral, ng guro at ng teksto.

7
  • Mas mabisa ang pagkatuto kung nabibigyan ng
    pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-isip,
    magpalitang-kuro at tumanggap ng ideya mula sa
    iba. Ikalawa, ang pagkakaroon ng integrasyon sa
    mga kasanayan at gawain sa pagtuturo ng wika.
    Ang apat na makrong kasanayan sa wika ay nakikita
    o naituturo sa isang kabuuan at hindi na
    hiwa-hiwalay na tulad ng ginagawa dati (Whole
    Language Approach and Integrative Approach).

8
  • Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa pag-aaral ng
    wika. Dito ginagamit ang nilalaman ng ibang
    aralin o disiplina sa pagtuturo ng wika
    (Content-based Instruction / Literature-based
    Instruction).

9
  • Narito ang mga pagdulog at istratehiya sa
    pagtuturo ng wika na angkop sa mga simulain ng
    kurikulum sa Filipino.

10
Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (Communicative
Language Teaching)
  • Inilarawan nina Richards at Rodgers (1986) ang
    CLT bilang isang lapit (approach) sa halip na
    isang pamaraan sa dahilang ito ay nagrerepresenta
    sa isang pilosopiya ng pagtuturo na batay sa
    komunikatibong gamit ng wika. Nagsimula ang lapit
    na ito sa mga naisulat nang literatura na nauukol
    sa konseptong nosyonal-functional at paglinang ng
    kasanayang komunikatibo sa halip na sa gramar o
    istruktura ng wika nakatuon ang pagtuturo.

11
  • Sa lapit na ito binibigyang pansin ang sumusunod
    na pananaw o simulain
  • Pagbibigay diin sa gamit ng wika sa komunikasyon
    sa halip na sa pag-aaral ng kayarian ng wika.
  • Pagkakaroon ng katatasan sa pagsasalita sa halip
    na sa pagiging tama o wasto sa kayarian o gramar
    ng wika.

12
  • Pagbibigay pansin sa mga gawaing aktwal na
    ginagamit ang wika sa halip na pagsasanay o drill
    sa mga bahagi ng wika.
  • Pagkakaroon ng kamalayan sa ibat ibang gamit o
    tungkulin ng wika ayon sa pagkakataon sa halip na
    pagbibigay pansin lamang sa wika.

13
  • Sa komunikatibong lapit sa pagtuturo ng wika,
    nililinang ang mga kasanayang kognitibo tulad ng
    kaalaman sa gramar ng wika, pagpili ng angkop na
    bokabularyo at kasanayang sosyolinggwistika o
    angkop na paggamit ng wika sa ibat ibang
    sitwasyon. Gayundin nililinang ang makagawi o
    behavioral na aspekto ng mga mag-aaral sa
    paggamit ng wika sa aktwal na sitwasyon
    (Littewood 1984).

14
  • May mga mungkahing hakbang na magagamit ng guro
    sa pagtuturo ng wika na sinusunod ang mga
    simulain ng pagdulog na komunikatibo. Narito ang
    mga hakbang at ang paliwanag sa bawat isa.

15
  • Pagtiyak sa Layunin. Isa sa mga simulain ng
    pagdulog na komunikatibo ay ang pagkakaroon ng
    kamalayan ng mga mag-aaral sa ginagawa nila sa
    klase at sa kahalagahan nito sa kanilang
    pang-araw-araw na buhay. Magiging makahulugan ang
    aralin kung malinaw sa bawat mag-aaral ang
    layunin nito. Sa hakbang na ito ipinaaalam sa
    mga mag-aaral kung ano ang nilalayon ng aralin.
    Halimbawa Ang tatalakayin nating aralin ay
    tungkol sa paghingi at pagbibigay ng payo.
    Maaari ring ipakita ang mga larawan na nauukol sa
    mga sitwasyon na nagpapakita ng mga gawaing
    pangwika o kaya naman ay dayalogo na maglalaman
    ng aktwal na nangyayari sa pag-uusap.

16
  • Paglalahad. Dito ipinakikita o ilalahad ang mga
    kayarian ng wika na gagamitin sa isang sitwasyon
    o konteksto na ang tuon ay sa gamit o tungkulin
    ng wika. Pag-uusapan dito ang layunin ng
    nag-uusap, mga paraan na ginagamit upang
    magkaunawaan tulad ng kilos o mga pahiwatig na
    salita.

17
  • Pagsasanay. Pagkatapos na matutuhan ng mga
    mag-aaral ang mga kayarian na angkop gamitin sa
    sitwasyon, bibigyang laya ang mga mag-aaral na
    gamitin ang mga ito sa ibat ibang sitwasyon.
    Dito, ibat ibang gawain ang ibibigay ng guro
    tulad ng pag-uusap tungkol sa napapanahong paksa,
    paglutas ng suliranin, mga role-play na
    isasakilos o mga larong pangwika.

18
  • Paglilipat. Paggamit ng mga natutuhang kayarian
    at kasanayan sa makatotohanang sitwasyon. Ang mga
    mag-aaral ay iisip o pipili ng mga sitwasyon sa
    tunay na buhay na ipinakikita ang aktwal na
    paggamit ng wika. Halimbawa Pagdedebate tungkol
    sa isang paksa, paghingi ng payo, at pagpapaturo
    sa pagsasagawa ng isang bagay.

19
Mga Gawaing Maaring Ihanda ng Guro ayon sa mga
Simulain ng Pagdulog na Komunikatibo
20
  • Paghahanda ng mga sitwasyon o cue cards, na
    gagamitin sa role-play ng mga mag-aaral.
  • Halimbawa
  • Paksa Pagsali sa club o samahan
  • Gamit ng Wika Paghikayat, pagtanggi
  • Kayariang gagamitin Pandiwa, pang-abay
  • Sitwasyon Dalawang mag-aaral ang nag-ussap
  • Isang mag-aaral ang nanghihikayat sa kaklase o
    kaibigan na sumali sa club. Sasabihin niya ang
    ang kahalagahan ng pagsali sa club, kung kailan
    at saan sila magmimiting, at mga ginagawa. Ang
    kaklase naman ay tatanggi at ipaliliwanag kung
    bakit ayaw niyang sumali.

21
  • Sa pagbibigay ng mga sitwasyon na isasagawa ng
    mga mag-aaral, maaring dalawang paraan ang gawin.
  • 1. Una, sitwasyon na may cue na ilalagay na cue
    cards ng mga mag-aaral ang sasabihin nila.
  • Halimbawa
  • Paksa Panonood ng sine
  • Gamit ng wika Pagtatanong, pagpili,
    paghikayat
  • Kayarian ng wika Mga pananong na
  • Sino, Ano, Alin, Bakit
  • Sitwasyon Magkamag-aral na nasa lugar ng mga
    sinehan. Nais nilang manood ng sine. Bawat isa
    ay may gustong panoorin.

22
  • Mag-aaral A
  • Itanong kung aling sine ang gustong panoorin.
  • Magmumungkahi ng gustong panoorin.
  • Hihikayatin ang kausap na gustong panoorin.
  • Itatanong kung anong pagkain ang dadalhin sa
    loob ng sinehan.
  • Sasang-ayon sa kausap.

23
  • Mag-aaral B
  • Sasabihing hindi pa alam kung ano.
  • Hindi sasayong-ayon sa sinabi ng kausap at
    sasabihin ang dahilan.
  • Sasang-ayon din sa kausap.
  • Pipili ng pagkain at itatanong sa kausap kung
    gusto rin ito.

24
  • 2. Ikalawa, maaring sitwasyon na may impormasyon
    sa mga mag-aaral ngunit malaya sila sa pagbuo ng
    usapan ayon sa hinihingi sa sitwasyon.
  • Halimbawa
  • Paksa Pagpapaalam para sumama sa field trip
  • Gamit ng wika Pamamaalam, panghihikayat,
    pagpapaalala
  • Kayariang gagamitin Mga pangungusap na
    nakikiusap, nagpapaliwanag, mga magagaling na
    ekspresyon tulad ng maari po ba, sige na po, at
    mag-ingat ka.

25
  • Kard ng Mag-aaral A
  • Galing ka sa eskwela. Sinalubong ka ng nanay
    mo. Nagmano ka. Sinabi mo na may field trip kayo
    sa darating na Sabado. Nagpapaalam ka sa kanya.
    Hihikayatin mo siya na payagan kang sumama at
    magbigay ka ng dahilan. Magpapasalamat ka sa
    pagpayag ng ina at hihingi ka rin ng pera
    pambayad sa bus at pambili ng baon.

26
  • Kard ng Mag-aaral B
  • Tatanungin mo ang dahilan kung bakit may field
    trip, saan, sino, ang mga kasama, gaano katagal
    ito gagawin. Papayagan ang anak matapos marinig
    ang paliwanag. Magpapaalam sa anak. Bibigyan ng
    pera ang anak para sa field trip.

27
  • B. Paghahanda ng mga gawaing aktwal na ginagawa
    sa loob at labas ng paaralan (simulation)
  • Ito ay masasabing simplikasyon ng mga tunay na
    sitwasyon sa buhay. Ang mga halimbawa ng ganitong
    gawain ay ang sumusunod
  • 1. Pagsasagawa ng eleksyon ng pamunuan ng
    klase.
  • 2. Pagpupulong ng club o samahan

28
  • 3. Pagpupulong ng klase tungkol sa field trip
  • Pakikipanayam sa bisita sa klase.
  • Pagtatalo ng mga paksa ng nauuol sa kasalukuyang
    mga isyu sa bansa.
  • Pagsasagawa ng pag-aaral sa paaralan tungkol sa
    pagkaing binibili ng mga mag-aaral at tungkol sa
    mga gawi sa pag-aaral (study habits).

29
  • Paghahanda ng mga sitwasyon na isasadula ng mga
    mag-aaral nang daglian o unscripted play
  • Maari namang mula sa mga kuwento na binasa sa
    aklat sa pagbasa o panitikan ay makabuo ng script
    ang mga mag-aaral na isasadula sa klase.

30
  • Pagtitipon ng mga biswal tulad ng mga poster,
    anunsyo, mapa, tsart, grap, karikatura, movie
    page, at TV programs na pagkukunan ng impormasyon
    at pag-uusapan sa klase.
  • Ang halimbawa ng ganitong biswal ay ang
    karikatura tungkol sa pagputol ng mga kahoy sa
    kagubatan. Maaring pag-usapan sa klase ang mga
    epekto nito, ang mga paraan na dapat gawin upang
    maiwasan ang pagkakalbo ng kagubatan, atbp.

31
  • E. Paghahanda ng mga larong pangwika
  • Ibat ibang larong pangwika ang maihanda ng
    guro na magsasanay sa mga mag-aaral upang mahasa
    sa pagpapahayag. Ang ilan sa mga ito ay ang
    sumusunod
  • 1. Dugtungan Mo
  • Ito ay isang dugtungang pagkukuwento.
    Sisimulan ng guro o isang mag-aaral ang kuwento
    at ito ay durugtungan ng iba pang mag-aaral sa
    bawat pangkat.

32
  • Ihatid Mo
  • Sa larong ito, papangkatin ng guro ang
    mag-aaral. Bibigyan ng guro ng mensahe ang lider
    ng bawat pangkat at sasabihin naman ng lider ang
    mensahe nang pabulong sa isa sa kanyang kapangkat
    hanggang makarating ito sa kahuli-hulihang
    kasapi. Ang huling mag-aaral ay siyang mag-uulat
    ng mensahe sa klase. Ang pangkat na makapag-ulat
    ng buo at malinaw na mensahe ay may puntos.

33
  • Magbugtungan Tayo
  • Ilalarawan ng mga mag-aaral ang mga bagay, tao,
    hayo o lugar at pahuhulaan ito sa mga kaklase.

34
  • Ituloy Mo
  • Bubunot o kukuha sa kahon ang mga mag-aaral ng
    kapirasong papel na may nakasulat na pahayag na
    hindi tapos. Itutuloy nila ang mga pahayag ayon
    sa kanilang palagay o pananaw.
  • Halimbawa
  • Nababahala ako sa mga
  • Marami na ngayong nangyayari

35
  • Paghahanda ng mga gawaing transcoding
  • Ito ay isang paraan ng pagsasalin mula sa isang
    anyo ng pagpapahayag tungo sa iba pang anyo. Ang
    mga halimbawa ng ganitong gawain ay ang mga
    sumusunod
  • 1. Isang patalastas o anunsyo na isasalin sa
    anyong tuluyan.
  • 2. Isang pagpapahayag na gagawing anyong
    telegrama
  • 3. Isang tala o impormasyong nabasa na
    gagawing balita
  • 4. Kuwento na gagawing dula-dulaan
  • 5. Mapa ng isang lugar na ilalahad sa isang
    talata

36
  • Sa pagsasaayos ng kurikulum inilapat ang
    Understanding by Design (UBD) na modelo nina Jay
    Mctighe at Grant Wiggins. Narito ang mga elemento
    ng kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010.

37
  • Antas 1 Resulta/Inaasahang Bunga
  • Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at
    maisagawa ng mag-aaral sa loob ng isang markahan,
    yunit o kurso makikita sa bahaging ito ng Gabay
    sa Kurikulum ang mga pamantayang pangnilalaman,
    pamantayan sa pagganap, mga kakailanganing
    pag-unawa at mahalagang tanong.

38
A.1. Ang Pamantayang Pangnilalaman ay ang
mahahalagang paksa o konsepto na dapat maunawaan
ng mag-aaral sa bawat asignatura. Sinasagot ng
bahaging ito ang tanong na, Ano ang nais
nating matutuhan at maisagawa ng mag-aaral
pagkatapos ng isang markahan o yunit?
39
A.2. Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang tiyak na
produkto o pagganap at ang antas o lebel na
inaasahang maisagawa ng mag- aaral pagkatapos ng
isang markahan o yunit. Sinasagot ng bahaging
ito ang tanong na Paano isasagawa ng mag-aaral
ang inaasahang produkto o pagganap? Anong antas
o lebel ng pagganap ang dapat magawa ng
mag-aaral upang makapasa siya sa pamantayan?
40
B. Ang Mga Kakailanganing Pag- unawa ay ang
mahahalagang konsepto na dapat matutuhan ng
mag-aaral sa bawat asignatura. Mga konseptong
hindi makakalimutan at magagamit ng
mag-aaral sa kanyang pamumuhay.
41
C. Ang Mahahalagang Tanong ay mga tanong na
nasa mataas na lebel at inaasahang masasagot
ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o
yunit. Kinakailangang ang mga ito ay nasasagot
ng Mga Kakailanganing Pag-unawa.
42
  • Antas 2 Pagtataya
  • Ito ang mga inaasahang produkto o pagganap
    inaasahang antas ng pag-unawa at pagganap ng
    mag-aaral at mga kraytirya o panukat na
    gagamitin sa pagtatay ng inaasahang produkto o
    pagganap.

43
A. Ang Produkto o Pagganap ay ang inaasahang
maisasagawa pagkatapos ng isang paksa o
markahan. Ito ang magpapatunay na natutuhan
niya ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa
isang markahan/asignatura.
44
B. Ang Antas ng Pag-unawa ang susukat sa ibat
ibang aspekto ng pag-unawa ng mag-aaral sa
mahalagang konseptong dapat niyang matutuhan.
Masasabing may pag-unawa na ang mag-aaral kung
siyay may kakayahan nang magpaliwanag, magbigay
ng sariling kahulugan, makabuo ng sariling
pananaw, makadama at makaunawa sa damdamin ng
iba, makapaglapat, at makilala ang kanyang sarili.
45
C. Ang Antas ng Pagganap ay ang inaasahang
produkto o pagganap na maisasagawa ng mag-aaral.
Makikita rin sa bahaging ito ang kraytirya sa
pagtataya ng nasabing produkto o pagganap.
46
  • Antas 3 Mga Plano ng Pagkatuto
  • Mga gawaing instruksyunal at mga kagamitan na
    gagamitin ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum
    na makatutulong upang matamo ang mga pamantayan.
    Inaasahan ang pagiging malikhain ng guro sa
    pagpapatupad ng antas na ito dahil nakasalalay
    ang ikapagtatagumpay ng pagtuturo-pagkatuto.

47
A. Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay binubuo ng
mga gawaing isasagawa ng guro at mag-aaral sa
loob ng klasrum upang matamo ang mga pamantayan,
matutuhan ang mga kakailanganing
pag-unawa at masagot ang mahahalagang tanong.
48
B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga guro at
mag-aaral upang maisakatuparan ang mga gawaing
instruksyunal.
49
  • Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum
    ng Edukasyong Sekondari ng 2010

50
  • Pamantayang Pangnilalaman
  • Masasalamin ba sa Pamantayang Pangnilalaman ang
    resulta o inaasahang bunga? Ang mahalagang ideya,
    isyu, prinsipyo o konsepto na dapat matutuhan ng
    mag-aaral sa bawat asignatura na magagamit niya
    maging sa labas ng paaralan?
  • Masusukat at matatamo ba ng mag-aaral ang mga
    binuong pamantayan?

51
  • Pamantayang Pagganap
  • Masasalamin ba sa Pamantayan sa Pagganap ang mga
    kraytirya kung paano tatayain ang produkto o
    pagganap ng mag-aaral?
  • Masasagot ba nito ang tanong na Ano ang
    inaasahang magagawa ng mag-aaral?

52
  • Pamantayang Pag-unawa
  • Ito ba ang malalaki at mahahalagang konsepto na
    nais maipaunawa sa mag-aaral?
  • Masasailalim ba dito ang mga manginahing
    suliranin, isyu na dapat malaman ng mag-aaral?

53
  • Mahahalagang Tanong
  • Nakatuon ba ang mga tanong sa mahahalagang isyu o
    suliranin?
  • Ang mga tanong ba ay masasagot ng Kakailanganing
    Pag-unawa?
  • Ang mga tanong ba ay may kabuluhan sa buhay ng
    mag-aaral? Sa lipunan?
  • Ang mga tanong ba ay kaagad na masasagot ng
    mag-aaral?
  • Akma ba ang tanong sa kawilihan, edad at
    kakayahan ng mag-aaral?

54
  • Narito ang mga Katangian ng Kurikulum ng
    Edukasyong Sekondari ng 2010
  • nakatuon sa mahahalagang konsepto at
    kakailanganing pag-unawa
  • mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan)
    tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at ang
    antas ng pagganap ng mag-aaral
  • mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na
    istratehiya upang malinang ang kaalaman at
    kakayahan ng mag-aaral
  • inihahanda ang mag-aaral tungo sa paghahanapbuhay
    kung di man makapagpapatuloy sa kolehiyo
  • tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay
    magagamit sa buhay.

55
  • Batayang Konseptwal ng Filipino (Deskripsyon)
  • Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng
    2010 (Secondary Education Curriculum) ang
    Kapakipakinabang ng Lietrasi para sa lahat
    (Functional Literacy For All) na ibinatay sa
    mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education
    For All 2015).

56
  • Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na
    malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2)
    kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang
    literasi ng mga mag-aaral sa lebel sekondari.
    Lilinangin ang limang kasanayan pakikinig,
    pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa
    tulong ng ibat ibang dulog at pamamaraan tulad
    ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW),
    Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng ibat
    ibang tekstong literari (rehiyunal, pambansa,
    saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at
    Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa tulong ng
    ibat ibang Teksto (PGRT).

57
  • Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga
    pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration)
    sa pag-aaral at pagsusuri ng ibat ibang tekstong
    literari.
  • Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan,
    masuri at magamit ang ibat-ibang teorya sa
    pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuring
    literasi, inaasahang matatamo ng mga guro ng
    Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa
    inilarawan sa batayang konseptwal.

58
Maraming Salamat po!
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com