KAWASTUANG PAMBALARILA - PowerPoint PPT Presentation

1 / 62
About This Presentation
Title:

KAWASTUANG PAMBALARILA

Description:

KAWASTUANG PAMBALARILA Ang kawastuang pambalarila ay kaalaman sa wastong gamit ng mga salita gaya ng mga katha,pasulat man o pasalita.Upang maging malinaw at tama ang ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:2942
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 63
Provided by: SCU57
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: KAWASTUANG PAMBALARILA


1
KAWASTUANG PAMBALARILA
2
  • Ang kawastuang pambalarila ay kaalaman sa
    wastong gamit ng mga salita gaya ng mga
    katha,pasulat man o pasalita.Upang maging malinaw
    at tama ang isang pagpapahayagito ay ginagamitan
    ng wastong gamit ng mga salita

3
  • Sa pakikipagtalastasan,di mapapasubalian na
    madalas na nagkakamali ang maraming tao sa
    paggamit ng mga salita.

4
  • MGA SINUSUNOD NA TUNTUNIN SA PAGGAMIT NG
    WASTONG SALITA

5
  • 1. NANG AT NG
  • Nang
  • Ang NANG ay siyang ginagamit sa panimula ng
    sugnay na di makapagiisa at pangatnig sa
    hugnayang pangungusap na katumbas ng salitang
    when sa ingles.
  • Halimbawa
  • Nang akoy dumating sa bahay,nagising ang mga
    bata.

6
  • Ang nang na nagbuhat sa inangkupan ng ng
    ang siyang ginagamit na pang-abay na
    pamanahon.Itoy katumbas ng salitang already sa
    Ingles.
  • Halimbawa
  • Marami nang (naang) panauhin sa bulwagan.

7
  • NG
  • Ang NG ay isang bahagi ng pananalita na
    gumaganap bilang pantukoy at pang-ukol ayon sa
    gamit sa loob ng pangungusap.
  • Halimbawa
  • Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.

8
  • Bilang pantukoy na palayon ng mga tagaganap ng
    pandiwang balintiyak.Itoy katumbas ng by sa
    Ingles.
  • Halimbawa
  • Ang silid-aralan ay nililinis ng mga mag-aaral.

9
  • 2.KUNG at KONG
  • KUNG
  • Ang KUNG ay pangatnig na panubali at
    ginagamit sa karaniwan sa hugnayang
    pangungusap,kung kayat itoy matatawag ding
    pangatnig na panghugnayan.

10
  • Halimbawa
  • Kung tayong lahat ay magmamahal sa wikang
    Filipino ay lalong uunlad ang Pilipinas.
  • KONG
  • Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong
    ko at inaangkupan lamang ng ng.

11
  • Halimbawa
  • Ibig kong makatulong sa pag-unlad ng Pilipinas.
  • 3.MAY AT MAYROON
  • Ito ay mga pandiwang walang banghay.Ang mga
    itoy may kahulugan ngunit ang dalawaay may
    pagkakaiba ng paggamit sa mga pangungusap.

12
  • MAY-
  • Kapag itoy sinusundan ng pangngalan,pang-uri,pa
    ndiwa,pang-abay at katagang mga.
  • Halimbawa
  • May inaasaaahang bukas ang mga taong masipag.

13
  • MAYROON-
  • Kapag itoy sinusundan ng kataga o panghalip na
    panao sa kaukulang palagyo.
  • Halimbawa
  • Mayroon pa sanang ibig sabihin si Andrew kay
    Lolo Tomas.

14
  • 4.SUBUKIN/SUBUKAN
  • Ang subukin ay nangangahuluganng isang
    pagsasagawa ng isang bagay sa ayos na kalagayan
    At ito ay inuuri sa tao,anyo,at bagay.

15
  • Halimbawa
  • Subukin nating mamili sa bagong bukas na
    Department Store.
  • Ang subukan ay nangangahulugan ng pag-espiya sa
    isang tao kung ano ba ang kinikilos nito.

16
  • Halimbawa
  • Subukan mong sumunod sa kanila at tingnan mo
    kung ano ang kanilang ginagawa doon.

17
  • 5.PAHIRIN/PAHIRAN
  • Ang pahirin ay nangangahulugan ng pagbubura o
    paglilinis sa isang bagay ng nakapahid,samantalang
    ang pahiran ay paglalapat o pagpapairal sa isang
    bagay sa tamang lugar.

18
  • Halimbawa
  • Pahirin mo nga ng basang basahan ang pisara.
  • Pahiran mo ng alcohol ang sugat ni Elvie.

19
  • 6.SUNDIN/SUNDAN
  • Ang sundin ay nagsasaad ng pagsunod o pag-unawa
    sa isang utos o kagustuhan at maaaring batas o
    panuto.
  • Halimbawa
  • Sundin mo ng maluwag sa puso ang mga panuntunan
    ng paaralan.

20
  • Ang sundan naman ay panggagaya sa ginawa o
    kinikilos ng isa o maraming tao.
  • Halimbawa
  • Sundan mo ang mga tamang gawa upang ikaw ay
    hindi mapariwara.

21
  • 7.NAMATAY/NAPATAY
  • Ang namatay ay nangangahulugan ng paglisan sa
    mundo alinsunod sa natural na pagkawala ng buhay
    dahilan gaya ng sakit,bangungot,atake,atb.Samantal
    ang ang napatayay ang pagkawala ng buhay na
    hindi inaasahan na may kadahilanan tulad ng
    aksidente.

22
  • Halimbawa
  • Si Mario ay namatay noong isang linggo dahil sa
    sakit sa puso.
  • Ang mag-ina na naglalakad sa kalsada ay napatay
    ng salaring di nakikilala.

23
  • 8.WALISIN/WALISAN
  • Ang walisan ay uri ng pandiwang ginagamit sa
    pag-alis ng kalat o dumi sa maluwang o malawak na
    lugar.Habang ang walisin ay tumutukoy naman sa
    iisang bahagi lamang ng isang malaking lugar.

24
  • Halimbawa
  • Walisan mo nga ang kalat sa ating bakuran.
  • Walisin mo nga ang kalat sa paligid ng halaman.

25
  • 9.KATA/KITA
  • Ang kata at kita ay mga panghalip na panao na
    kadalasang pinagpapalit ang gamit kahit na may
    sari-sariling wastong gamit.

26
  • Ang kita ay ginagamit kung ang isa sa dalawang
    nag-uusap ang siyang gagawa ng gawain para sa
    kausap.
  • Halimbawa
  • Ibibili kita ng paborito mong pabango.

27
  • Ang kata naman ang ginagamit kung ang dalawang
    nag-uusap ay parehong gagawang gawain.
  • Halimbawa
  • Kata ay pupunta sa pamilihang bayan.

28
  • 10.DAW at DIN/RAW at RIN
  • Ginagamit ang salitang raw/rin kung ang
    nauunang salita ay nagtatapos sa patinig.Ang W at
    Y ay malapatinig kaya raw at rin ang ginagamit
    kung nagtatapos sa alin man sa dalawang titik na
    ito.

29
  • Ang daw at din ang ginagamit kung ang
    sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
    maliban sa W at Y.

30
  • Halimbawa
  • Wala rin mangyayari kung tatakasaan mo ang
    problema.
  • Takot daw siya sa multo.

31
  • POP QUIZ

32
  • 1. Kahit na madilim ay basa pa rin ____ basa ang
    masipag na si Anna.
  • a. nang
  • b. ng

33
  • Tama kaGaling mo!!!

34
  • Ay sori.mali ka!!!!!

35
  • Ang bayan ____ tutulungan natin ay talagang
    magtatagumpay.
  • a. kong
  • b. kung

36
  • Oooopssulitin mo..

37
  • Tumpak..!!! Nakuha mo ang tamang sagot..!!!

38
  • 3. ___ mga taong laki sa layaw.
  • a. mayroon
  • b. may

39
  • Mali ka!!!!

40
  • Tumpak!

41
  • 4. ____ mo ngang tingnan ang ginagawa ni Melissa
    sa loob ng kwarto.
  • a. subukan
  • b. subukin

42
  • Nakuha mo..!!!!

43
  • Ay,mali..!!!

44
  • 5. ___ mo ng gaas ang haligi ng bahay upang huwag
    bukbukin.
  • a. pahirin
  • b. pahiran

45
  • Magaling!!!!

46
  • Mali ang sagot mo..!!!!

47
  • 6.Walang masama kung susundan mo ang ang yapak ng
    iyong ama.
  • a. susundin
  • b. susundan

48
  • Oooopsss.Mali na naman!!!

49
  • Wowgrabe,galing mo..!!!!!

50
  • 7. ___ ni Narding ang kanyang alagang aso dahil
    sa pagkagat nito sa kanya.
  • a. namatay
  • b. napatay

51
  • Hay naku!! Mali na naman!!!!

52
  • Hanep! Nakuha mo!!!!

53
  • 8. ____ mo nga ang mga punit-punit na papel
    diyan.
  • a. walisin
  • b. walisan

54
  • Magaling!!! Nakuha mo..!!

55
  • Subukan mo ulit..

56
  • 9.Sasamahan ____ sa pagpunta mo sa Maynila.
  • a. kata
  • b. kita

57
  • Sori! Hindi mo nakuha.

58
  • Grabe! Ang galing mo!!!

59
  • 10.Malakas ___ ang buhos ng ulan kagabi.
  • a. rin
  • b. din

60
  • Mali ang iyong sagot.!!!

61
  • May tama ka..!!!

62
  • Inihanda ni
  • April Bobiles
  • BSE-II Filipino
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com