SANAYSAY - PowerPoint PPT Presentation

About This Presentation
Title:

SANAYSAY

Description:

SANAYSAY KATUTURAN, ANYO AT URI ANO ANG SANAYSAY? RUBIN, et.al., 1989:91 Anyong pampanitikan na naglalahad ng mga kontemporaryong usapin at paksain sa nagbabagong mundo. – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:389
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 12
Provided by: Home58
Category:
Tags: sanaysay | ramen

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: SANAYSAY


1
SANAYSAY
  • KATUTURAN, ANYO AT URI

2
ANO ANG SANAYSAY?
3
RUBIN, et.al., 198991
  • Anyong pampanitikan na naglalahad ng mga
    kontemporaryong usapin at paksain sa nagbabagong
    mundo. Ang mahalaga sa anyong ito ang pagbabahagi
    ng manunulat ng kanyang karanasan at di pa
    namamalayang pananaw ukol sa mga nagbabagon
    niyang paligid kaya maituturing ito na makabagong
    anyo.

4
Belvez(1985)
  • isang komposisyong pampanitikan sa isang
    natatanging paksa na higit na maikli at promal
    kaysa alinmang akda. Sa kasalukuyan,ang
    komposisyon ay naglalaman ng maikling pag-aaral
    na naglalaman ng sariling pananaw, paniniwala at
    kaisipan ng sumulat.

5
SEMORLAN, et.al., 1999
  • ay isang akdang naglalayong maglahad o maglarawan
    ng isang buhay sa makatotohanan at masining na
    paraan. Maaring talakayin o paksain ang anumang
    tema- karaniwan o di-karaniwan, magaan o seryoso-
    sapagkat ukol sa buhay ang inilalahad dito.

6
2 URI NG SANAYSAY
PORMAL DI - PORMAL
7
PORMAL NA SANAYSAY
  • (MAANYO) kapag ang sanaysay ay may lohikal na
    paglalahad ng mga kaisipan o may maayos na
    balangkas. Maingat din ang pagsusuri ng paksa
    nito. Samakatwid, masusi ang pag-aaral ng temang
    tatalakayin. Binibigyang-diin ang katotohanan,
    tuwirang pagpapahayag at seryosong pagtalakay.

8
SANAYSAY NA DI-PORMAL
  • (DI-MAANYO) may kalayaan sa ayos ng paglalahad,
    may himig ng pakikipag-usap at pagbibiro at higit
    na kawili-wiling basahin. Subalit hinidi rin
    dapat na kaligtaan na lakip din nito ang
    katalinuhan ng pag-iisip at masusing pagsusuri.

9
PERSONAL NA SANAYSAY
  • ang nilalaman ay tungkol sa nararamdaman ng
    manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o
    naoobserbahan. Hal. Kung ikaw ay nakakita ng mga
    batang nagkalat sa lansangan, ano ang iyong
    nararamdaman sa pangitaing ito?

10
MAPANURI O KRITIKAL NA SANAYSAY
  • ang nilalaman ay batay sa naiisip o kuru-kuro
    kaugnay sa namatyagan ng manunulat. Mula sa
    pagiging personal ng akda ay papasukin na nito at
    bubusisihin ang ibat ibang anggulo na maaaring
    sangkot sa usapin.

11
PATALINHAGA
  • ang bukal ng nilalaman mula sa mga kasabihan o
    sawikain o di kayay pagkamit ng mga simbolismo o
    matalinhagang kaisipan bilang panimula ng iyong
    pinapaksa.
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com